top of page
Search

Ang Presyo ng mga Pangakong Napako

Writer: Pamela Ramos
Pamela Ramos
2 days ago
3 min read

The filing for the national elections is nearing, which is why we can see politicians once again touching the ground and getting out of their fancy offices. Politicians are always approachable when elections are nearing. They are so good at promises that we keep on getting swayed for how many decades now. With the help of social media, their lies are more amplified. They do not have to go to barrios, they just have to perform budots on videos just like how the masses were won by Bong Revilla.


After the elections, can we still feel them? Are they still as approachable as they were? Or balik tayo sa nakaupo na sila kaya “who you” ka na?

Nakakatawa ring isipin na tuwing eleksyon, para bang panibagong simula na naman ang lahat. Panibagong pangako, panibagong slogan, panibagong personalidad. Para bang walang nakaraang termino na kailangang panagutan. Ngunit bakit kailangan pa nating paulit-ulit na pakinggan ang parehong mga pangako kung ilang dekada na rin naman silang may pagkakataong tuparin ang mga ito? 


Hindi ba dapat ang eleksyon ay panahon ng paniningil ng pananagutan at hindi panahon para muli tayong paasahin?

Iyan ang mahirap ipaintindi sa maraming Pilipino. Kahit na sino, kahit hindi politiko, magaling, mabait, at parang santo dahil may kailangan. Ganyan kahalaga ang boto mo sa kanila ngunit sana bago natin sila santuhin naisip sana natin, anong ginagawa nila para mapagaan ang buhay natin? Naramdaman ba natin na kahit papaano bumaba ang presyo ng bilihin? Naramdaman ba natin na mas may nabibili na tayo kesa sa bago sila naupo bilang politiko?

At habang abala ang mga politiko sa pangangampanya at pangako, patuloy namang lumalaki ang utang ng ating bansa. 

Ngunit sino ba talaga ang magbabayad nito? Hindi naman personal na pera ng mga nakaupo ang ginagamit upang bayaran ang mga pagkakautang na iyan. Sa huli, pera ng taumbayan ang gagamitin.


Tayo ang nagbabayad ng buwis. Tayo ang direktang naaapektuhan kapag nagiging limitado ang pondo para sa mga serbisyong dapat sana ay natatamasa natin.

Ang mas masakit isipin, maaaring ilang taon na ang lumipas, iba na ang nakaupo sa gobyerno, at nakalimutan na ang mga pangakong binitawan nila. Ngunit ang utang? Nandiyan pa rin. Ang obligasyon? Nasa atin pa rin. Ang mga susunod na henerasyon? Sila rin ang magmamana ng mga desisyong hindi naman nila ginawa.


Hindi naman masamang mangutang ang isang gobyerno kung gagamitin ito para sa ikauunlad ng bansa. Ngunit dapat nating itanong: Ano ang napala natin sa mga utang na ito? May mga ospital ba tayong mas maayos? May mga paaralan ba tayong mas napondohan? May mga trabahong nagbibigay ng disenteng sahod? Kung nangungutang ang gobyerno para sa kinabukasan ng bayan, dapat makita at maramdaman ng bayan kung saan napupunta ang perang iyon. Hindi sapat na sabihing may ginagawa ang gobyerno. Dapat may konkretong resulta na nararamdaman ang mga taong siyang magbabayad sa mga pagkakautang na ito.


Iyan ang sukatan ng maayos na pamumuno. Hindi yung dahil kesyo tumahimik o kesyo mas safe na sa daanan. Isa yan sa sukatan pero hindi lang yan ang kailangan natin para mabuhay ng maayos sa Pilipinas.

Napagiiwanan na tayo. Ang Vietnam ay patuloy na umaangat. Ang Thailand ay patuloy na umuusad. Kailan tayong Pilipino? Hihintayin ba nating isang kahig, isang tuka tayo? Yan na ang nararanasan natin ngayon.

Hindi dapat sukatan ng magandang pamamahala kung gaano karaming ayuda ang naipamigay ng isang politiko. Dapat mas mahalaga kung bakit kailangan pa ring umasa ng napakaraming Pilipino sa ayuda para lamang makaraos sa araw-araw.


Hindi masamang tumanggap ng tulong, lalo na sa panahon ng pangangailangan. Ngunit hindi dapat maging normal na sistema ang paulit-ulit na pag-aabang ng tulong mula sa gobyerno.


Ang dapat nating hangarin ay isang lipunang may disenteng trabaho, makatarungang sahod, abot-kayang bilihin, at serbisyong publiko na hindi kailangang ipagpasalamat bilang personal na pabor ng isang politiko.

Dahil ang ayuda ay pansamantalang tulong. Ang maayos na pamamahala naman ay dapat magbigay ng pangmatagalang oportunidad para hindi na kailangang mamili ang isang Pilipino kung pagkain ba o ibang pangunahing pangangailangan ang uunahin niya.

Itigil niyo ang pagiging panatiko. Ang politikang sinasamba niyo ay nakakalimot pagtapos ng eleksyon. Hindi gobyerno ang magbabayad ng kanilang inutang. TAYONG PILIPINO.


May mas maganda pang buhay kesa sa pag-aabang ng ayuda. Pag maayos ang gobyerno, hindi mo kailangan ng ayuda kasi mas marami ka nang pera.


Hindi natin kailangang sambahin ang mga politiko dahil lamang sa kaunting tulong na ibinibigay nila. Hindi nila personal na pera ang ipinapamigay nila. Pera iyon ng taumbayan, at tungkulin nilang tiyaking napapakinabangan ito ng mamamayan.

Kaya sa susunod na eleksyon, huwag tayong basta magpalinlang sa panibagong pangako. Huwag nating kalimutan ang mga hindi nila nagawa, ang mga utang na iniwan, at ang buhay na patuloy nating pinaghihirapan.


Dahil ang tunay na sukatan ng pamahalaan ay hindi kung gaano kagaling mangampanya ang isang politiko, kundi kung gaano kagaan ang buhay ng mga taong pinaglilingkuran niya.


 
 
 

Comments


bottom of page